President's Message

Mobirise
CHIARA REINA L. DATU

          Isang mainit at maligayang pagbati mula sa Philippine College of Advanced Arts and Technology o PCAAT. Ako si Chiara Reina L. Datu, Presidente ng PCAAT. Ikinagagalak kong ipakilala sa inyo ang PCAAT. Ang PCAAT ay isang bagong paaralan na itinayo sa panahon ng pandemya. Layunin nitong makamit ang mga pangangailangang pang-edukasyon ng mga kabataan sa kabila ng paghihirap sa mapanghamong sistema ng pag-aaraal. Ang pilosopiya namin ay nakaugat sa pagpapahalaga sa edukasyon bilang isang instrumento sa pagpapaunlad sa sarili laban sa mga kahirapan na nararanasan. Kahit masasabing bata pa ang aming paaralan, malaki ang aming puso at walang hanggan ang aming mga pangarap. Ito ang makikita sa aming tunguhin kung saan ang layunin ay sumulong bilang isang paaralan na naghahandog ng kalidad na edukasyon tungo sa paghubog sa mag-aaral bilang isang propesyunal na nagpupunyagi hindi lamang para sa pag-angat ng sariling buhay maging para sa pag-unlad ng bayan. Ito ang simula ng mas mabuting kinabukasan para sa aming
mga mag-aaral.

Together, we will rise from adversity and soar towards excellence! 

  

Philippine College of Advanced Arts and Technology

1914 Doña Faustina Bldg. Quiapo Recto Avenue, Manila

Follow Us
Email us:
  • pcaat.edu.ph


Built with Mobirise - See here